Share:

By Frances Pio

––

Isang babae ang namatay habang 15 na iba pa ang isinugod sa ospital kasunod ng hinihinalang kaso ng food poisoning sa Tondo, Maynila, iniulat ng Manila Police District (MPD).

Sa inisyal na ulat na inilabas sa media nitong Huwebes, sinabi ng MPD na isinugod ang mga biktima sa Tondo Medical Center nitong Miyerkules ng umaga matapos iulat ang pagkahilo at pagsusuka ilang oras matapos kumain ng “mami” (noodle soup).

Iniulat ng MPD, ang isa sa mga biktima na si Josefina Manila Argamosa, 43, ay namatay kalaunan.

Ayon sa MPD, inireklamo ng mga biktima ang pagkahilo at pagkaranas ng pagsusuka ilang oras matapos kumain ng “mami” na ibinebenta ni Joy Dela Vega Bernando, 45, ng Gapan Street, Barangay 172, Gagalangin, Tondo, Maynila. Isang sample ng “mami” ang ipinadala na ng pulisya sa Manila Health Department.

Dadalhin din ang sample sa Food Drug Administration Laboratory para sa pagsusuri, sabi ng pulisya.

Leave a Reply