Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Inaresto ang sampung katao sa Lungsod ng Muntinlupa matapos magpakilalang pekeng ahente ng National Bureau of Investigation.

Dinakip ng mga ito ang isang Chinese national at nangikil ng P40 milyon bilang pantubos.

Base sa ulat ng awtoridad, nagpakilala sa mga guwardiya ang mga suspek na bibisita lamang sa kanilang kaibigan, sa Madrigal Gate ng Ayala Alabang Village.

Nang malampasan ang security at makapasok sa nasabing village, pumunta ang mga suspek sa bahay ng isang 33 taong-gulang na Chinese.

Pinuwersang buksan ng mga salarin ang gate ng biktima at nagpakilalang kawani ng NBI.

Humingi ng tulong ang drayber ng biktima sa security guard makalipas ang alas-7 ng gabi, matapos detenihin ng mga suspek ang Chinese national.

Rumesponde naman agad ang mga guwardiya sa kanilang village at naaresto ang mga suspek.

Patong-patong na mga kasong usurpation of authority, trespass to dwelling, serious illegal detention at attempted robbery ang inihahandang isampa laban sa mga salarin.

Leave a Reply