Share:

Naglabas ng listahan ang LTFRB para sa mga jeep na pwede nang pumasada muli sa Metro Manila sa kabila ng patuloy na pagkakaroon ng quarantine measures sa bansa. Mahigit 10 ruta ang muling makakapasada matapos ang mahigit 6 na buwan na tigi pasada.

Naglabas ng memorandum ang LTFRB (Memorandum 2020-043) kung saan nakasaad ang mga bagong ruta ng jeep na pwede ng muling pumasada. Kabilang dito ang ruta mga ruta ng Divisoria-Sangandaan, Divisoria-Retiro at North Avenue- Quezon City Hall.

Kinakailangan i-print ng nga tsuper ang QR Code na nakalagay sa website ng LTFRB upang sila ay makapasada. Kailangan ding sundin ang iba’t ibang patakaran sa pagsakay ng pampublikong transportasyon.

Ito ay malaking tulong sa mga mamamayan lalo na ang mga pumapasok sa kanikanilang trabaho at walang sariling sasakyan. Umabot na sa 178 na ruta ang kasalukuyang pumapasada na jeep sa buong Metro Manila.

Leave a Reply