Mahigit 1,171 na telco permit na ang aprobado at 428 nalang ang bagong application na naka pending sabi ni Interior Secretary Eduardo Año nitong lunes sa briefing kasama si President Duterte.
“Ang natira na lang po is 428 applications. Puro bago na po ito so ibig sabihin ay complying at very commendatory po yong Manila LGU kasi one time lahat talaga po in-approve po nila so wala ng pending sa Manila so I hope lahat ng LGUs will follow,” ani ni Año
Dagdag pa ni Año na hindi na pwedeng mag rason pa ang mga telco sa pag gawa ng mga cell tower dahil mayroon nang probisyon sa Bayanihan to Recover as One act o Bayanihan 2 na automatic na ma aprobado ang mga permit pag ka comply nito.
“Automatic po pag mag-comply yong permit, approve na po and this will go on up to the next three years so I don t think may reason pa po ang ating mga telcos na sabihing nahihirapan sila,” sabi ni Año
Inutos naman ng Malacañang sa mga local government na gawing tatlong araw na lamang ang pag approve sa mga telco na dating tatlong buwan isinasagawa.