Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Mahigit 120,000 na aplikante ang pumasa sa October 2022 Licensure Exam for Professional Teachers (LEPT), base sa anunsyo na inilabas ng Professional Regulation Commission noong Biyernes, Disyembre 16.

49,783 ang kabuuang bilang ng mga pumasang elementary teachers habang 71,080 naman ang nagtagumpay rin na mga secondary teachers.

Ayon sa pahayag ng PRC sa website nito, ang bahagdan ng mga pumasa sa elementary teachers ay umabot sa 54.43% at 50.94% naman para sa mga secondary teachers.

Ang nasabing exam ay ibinigay noong Oktubre 2, 2022 sa Thailand at sa tatlompu’t apat na testing centers sa Pilipinas sa 91,468 examinees para sa elementary teachers at 139,534 examinees para sa secondary teachers.

Lagpas sa kalahati, 29,183, sa mga pumasang elementary teachers ay “first timers,” habang 20,600 naman ang umulit nang kumuha ng pagsusulit, ayon sa PRC.

50,549 naman sa mga pumasang secondary teachers ang unang beses ding kumuha ng pagsusulit para maging lisensyadong guro habang 20,532 naman ang “repeaters.”

Leave a Reply