Matapos ang isyu na kinakaharap ngayon ng PhilHealth patungkol sa katiwalian ng namumuno dito, mahigit 13 opisyal a tauhan nito ay sasampahan ng kaso dahil di umano sa pagiging corrupt ayon sa Anti- Corruption Commission ni Pangulong Duterte.
Nagsumiti ng report ang PACC patungkol sa isyu na ito at nais nila na magkaroon ng imbestigasyon para sa ahensya. Inihalintulad naman ni Commissioner Greco Belgica ang PhilHealth sa pagkakaroon ng teritorya. Ani niya mayroong mga sangay o grupo sa bawat rehiyon na namumuno at nagiging dahilan ng anumalya.
Sa kabila ng pagpapatalsik ng Pangulo sa nakaraang namumuno sa Philhealth noong Agosto ay patuloy parin ang korupsyon na nagaganap sa ahensya. Dagdag pa niya, hanggang sa kasulukuyan ay wala pang mga pangalan na inilalabas ang PhilHealth sa Ombudsman para managot sa anumalya na nangyayari.
Matapos ang hearing sa Senado noong Martes patungkol sa PhilHealth ay napagalaman na ang President at CEO ng ahensya ay may kinalaman sa pag apruba sa hindi makatarungang budget proposal at pag promote sa mga tiwaling opisyales nito.