Share:

By Frances Pio

––

Nagbigay ng tulong ang mga opisyal ng Lungod ng Bacolod sa 51 pamilya na binubuo ng 137 indibidwal na naabo ang mga bahay sa dalawang insidente ng sunog noong Miyerkules.

Sinabi ni City Social Welfare Officer Pacita Tero noong Huwebes, Setyembre 1, na ang lungsod ay nagbigay ng tulong gaya pagkain, hygiene kits, banig, unan, at kumot sa mga apektadong pamilya.

Makakatanggap ng tig-P10,000 ang mga pamilyang naabo ang mga bahay, habang P5,000 naman para sa mga nasirang ang bahay.

Sinabi ni Tero na 14 na bahay ang nawasak sa Purok Amor, Lopez Jaena Street sa Barangay Villamonte at apektado ang 48 pamilya na may 130 miyembro.

Nasa Villamonte gym pa rin ang labingwalong pamilya, habang ang iba ay nanatili sa kanilang mga kamag-anak.

Sa Purok Macapina, Barangay 6, isang bahay ang nawasak habang isa ang nasira, na nakaapekto sa tatlong pamilya na may pitong miyembro.

Sinabi ni Chief Inspector Rodel Legaspi, fire marshal ng Bacolod, na electrical short circuit ang nagdulot ng dalawang sunog.

Leave a Reply