Nakatanggap muli kaninang alas-nuwebe ng gabi sa NAIA ang Pilipinas ng karagdagang 15,000 doses ng Russian Vaccine na Sputnik V na tinatawag din na “component 2” o “follow-up dose” sa paunang bakuna na ipinadala noong ika-1 ng Mayo.
Ang bakunang gawa ng Gamaleya Institute ay ang pangalawang bakuna na nakarating sa bansa kasunod ng Sinovac Coronavac.
Ayon sa FDA, kakailanganin na malagay ang mga bakuna kung saan may lamig na negative 18 degrees upang manatili itong frozen.
Limang lokal na lungsod sa bansa ang may kapasidad na makapagbigay ng ganitong klaseng pasilidad para sa bakuna.
Ayon sa Department of Health (DOH) kinakailangan ng tatlong linggo na pakigatan mula sa unang dose upang mabigyan muli ng bakuna.