Ngayong araw ng Huwebes, Ika-16 ng Hulyo, Ipinahayag ni DSWD Undersecretary Danilo Pamonag na kabilang sa naganap na hearing kasama ang House Committee on Good Government and Public Accountability, umabot umano ng 19.4 Billion na ang perang inilabas upang makapag bigay tulong sa mga mababa ang kinikita nitong dumaan na quarantine.
Anya ni Usec. Pamonag, “We hope to complete the payouts for the second tranche through a combination of digital and direct payouts by the end of July.”
Inilahad din ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) tinatayang 3.2 Million beneficiaries ang nakatanggap na ng ayuda mula sa gobyerno para sa mga nangangailangan nang dahil sa Covid19 pandemic.
Ngunit maaring umano umabot pa ng Agosto ang pagpapamahagi ng ayuda lalo na sa mga malalayo at liblib na lugar sa bansa.