By: Aj Lanzaderas Avila
Dalawa ang naiulat na nasawi matapos bumagsak ang isang elavator mula sa ika-38 na palapag ng isang gusali sa Gil Puyat Avenue, Makati City ngayong araw ng Biyernes.
Ayon sa mga awtoridad, nangyari ang insidente bandang 3:45 a.am sa Burgundy Corporate Tower. Parehas umanong nagtatrabaho ang dalawang nasawi habang inaayos ang elevator, base sa inisyal na impormasyon na nakalap ng Makati City Police.
Samantala, nakuha na ang dalawang bangkay sa pinangyarihan ng insidente at patuloy na nakikipagugnayan ang mga awtoridad sa employer ng mga biktima at tumanggi namang magbigay ng komento ang pamunuan ng nasabing gusali.