By Christian Dee
MAYNILA – Dalawang Pilipino ang namatay sa Turkey matapos ang nangyaring 7.8 magnitude na lindol sa naturang bansa at sa Syria noong Lunes.
Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Foreign Affairs nitong Biyernes, Pebrero 10.
“It is with regret that we are confirming the death of two Filipinos. One previously reported missing by the media has fortunately been found alive,” anang DFA.
Nagluksa naman si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa sinapit ng dalawang Pilipino sa Turkey.
“It is with deep regret that we learn of the passing of two Filipinos in the recent 7.8-magnitude earthquake that devastated Türkiye,” saad ni Marcos sa kanyang Twitter post.
“The Philippine Embassy continues to work tirelessly to verify any and all information on Filipinos affected by the quake,” dagdag pa ng pangulo.
Nasa naturang bansa na rin ang rescue team na ipinadala ng Pilipinas para makapagpaabot ng tulong sa mga biktima ng lindol.
Umabot na sa mahigit 21,000 ang bilang ng mga nasawi sa insidente.