Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Inaresto noong Martes, Nobyembre 29, sa magkahiwalay na buy-bust operations ang dalawang suspek sa ipinagbabawal na droga sa Camarines Sur.

Isa sa mga nahuli ay ang isang 21-anyos na si Norman Arinas sa lungsod ng Naga, sa nasabing probinsya.

Inaresto si Arinas bandang alas-4:21 ng hapon sa Barangay Balatas, ayon sa iniulat ni tagapagsalita ng pulisya ng Naga, Senior Master Sergeant Tobias Bongon, nitong Miyerkoles, Nobyembre 30.

Pitong sachet ng shabu na nagkakahalagang P6,800 ang nakumpiska ng mga awtoridad sa nasabing operasyon.

Samantala, ang isang supek naman na si Risthan Juico ay nahuli sa Barangay San Francisco, sa lungsod ng Iriga.

Bandang alas-5:10 ng hapon naman nang arestuhin ng mga awtoridad ang 39-taong-gulang na suspek na nakuhaan ng isang sachet ng shabu na nasa P500 ang halaga, ayon sa hepe ng pulisya ng Camarines Sur na si Col. Julius Caesar Domingo.

Parehong nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabagn sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply