Share:

By Frances Pio

––

Nasagip ng Philippine Coast Guard Station Calayan ang mahigit 20 pasahero ng dalawang nagkaabirya na bangkang de motor sa karagatan ng Barangay Dadao, Calayan noong Miyerkules, Hulyo 13.

Iniulat ng Coast Guard District North Eastern Luzon nitong Biyernes, Hulyo 15, na ang MB Nicole ay may 10 pasahero at dalawang tripulante habang ang MB Jay Ann ay may siyam na pasahero at dalawang crew.

Inihayag ni Jobert Arirao, 29, ng Barangay Dadao na sakay ng MB Nicole, na nagkaproblema ang kanilang bangka sa pamamagitan ng isang tawag sa telepono.

Umalis sa daungan ang dalawang motorbanca nang makasagupa ng masamang panahon sa dagat, kaya napilitan ang isa sa kapitan ng motorbanca na bumalik sa Barangay Dadao.

Sa kasamaang palad, ang dalawang motorbanca ay hinampas ng malalaking alon, na naging sanhi ng pagkasira ng makina at nagresulta sa kalahating paglubog ng mga motorbanca.

Agad na rumesponde ang Coast Guard at nagsagawa ng search and rescue (SAR) operation.

Habang patungo sa lugar, nakita ng team ang mga motorbanca na pinatatakbo ng mga nagkusang loob na mga indibidwal na naghahatid ng ilang mga nasagip na pasahero mula sa mga distressed motorbanca pabalik sa baybayin ng Barangay Dadao.

Agad namang ipinagpatuloy ng SAR team ang kanilang operasyon dahil may mga stranded pa rin na mga pasahero at crew na naiwan sa mga distressed na motorbanca.

Ang SAR team, kasama ang MB Rosario, ay matagumpay na naisagawa ang SAR at ligtas na nahila ang dalawang motorbanca pabalik sa baybayin ng Sitio Sibang, Barangay Dadao.

Lahat ng nailigtas na pasahero at tripulante ay nasa mabuting pisikal na kondisyon.

Pinayuhan ng Coast Guard ang mga opisyal ng barangay at mga may-ari at operator ng mga motorbanca na umiwas at ihinto ang operasyon sa oras ng masamang panahon.

Leave a Reply