Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Inaresto ng mga awtoridad ang tatlong taong nagnakaw ng gasolina na nasa mahigit P15,000 ang halaga, sa probinsya ng Nueva Vizcaya.

Hinuli ng pulisya ang dalawang empleyado ng gasolinahan na sina Villamor Gallo at Jerry Perez, at isa pang suspek na nagngangalang Doren Ley De Guzman-Bernardino na nakatira sa bayan ng Bayombong, mga suspek sa pagnanakaw ng gasolina sa bayan ng Bambang, sabi ng pulis nitong Miyerkoles, Nobyembre 23.

Pasorpresang bumisita ang may-ari ng gasolinahan nang makita nito ang dalawa nitong tauhan na binebentahan si Bernardino ng gasolinang nagkakahalagang P15,670, na nakatago sa isang dump truck.

Nagpakita naman ng pagsisisi ang nasabing mga trabahador habang itinaggi ni Bernardino ang kaalaman nito ukol sa ilegal na pagbebenta ng langis.

Nasa ilalim na ng pansamantalang kustodiya ng pulisya ang tatlong inaresto.

Nahaharap sa kasong “qualified theft” o pagnanakaw sina Gallo at Perez. Paglabag naman sa anti-fencing law ang isinampa kay Bernardino.

Leave a Reply