Share:

By Jude Sagun
––

Hindi na magpapatuloy sa kompetisyon ang tatlong kandidata ng Miss Philippines Earth 2022, matapos kapusin sa tangkad.

Una nang nag-post sa kanyang social media account si Miss Surigao, Angela Okol. Inanunsyo nito na hindi na siya mapapabilang sa top 20 ng nang bigo siyang maabot ang minimum 5’4 height requirement ng pageant.

“I was told that my height does not fit their pageant’s standards and that their organization would get bashed if they let someone below 5’4 push through the Top 20, hence, being grounds for disqualification,” ani Okol.

Dumagdag rin sa mga natanggal sa pageant sina Miss Antipolo, Cess Cruz at Miss Ibaan-Batangas na si Renee Coleen dahil na rin sa nasabing qualification.

Nagpakitang gilas na ang tatlo kasama ng 35 pang mga kandidata sa isinagawang virtual preliminary competition ng MPE.

Ngayong araw iaanunsyo ang napiling top 20 para magpatuloy sa kompetisyon hanggang sa Coronation Night nito sa Agosto 6 na gaganapin sa Coron, Palawan.

Sa panayam ng ABS-CBN News sa MPE organizer at Miss Earth Vice President Lorraine Schuck, sinabi nitong paninindigan ng organisasyon ang kanilang naging desisyon upang maging patas sa iba pang mga kandidata.

“The Miss Philippines Earth pageant has its own criteria. Prospective candidates must meet those requirements including the standard 5-foot-4 minimum height requirement,” saad ni Schuck.

“I am sad at nakakahinayang talaga kasi ang gaganda nila and they’re bright but we also have to be fair with other candidates who have complied with the requirements.”
Ayon pa kay Shuck, naging kwalipikado ang 38 na sumalang sa kompetisyon matapos na tumugma sa kanilang requirement ang sinumite nitong application forms.

Subalit bago ang inaabangang pag-anunsyo sa top 20, nagsagawa ang MPE ng aktwal na pagsukat sa mga kandidata sa Carousel Mansion sa Mandaluyong nitong Huwebes, at doon nila nakilatis kung sinu-sino ang dapat na magpatuloy sa pageant.

“We thank Angela Okol of Del Carmen, Surigao; Cess Cruz of Antipolo City; and Renee Coleen Sta. Teresa of Ibaan, Batangas for their hard work in supporting the MPE and its advocacies and promoting their respective municipalities through their eco-tourism videos. Their videos will remain in our site and online platform and will still be considered for special awards,” dagdag ni Schuck.

Sa ngayon, wala pang balak si Schuck na baguhin ang height requirement para sa MPE, sa kabila ng panawagan ng mga fans na mas magkaroon ang pageant ng ‘inclusivity’ o mas malawak na pagtanggap sa mga aspiring beauty queens ano man ang pisikal na katayuan nito.

Leave a Reply