By Christian Dee
MAYNILA – Hinuli ng mga awtoridad ang tatlong suspek sa ipinagbabawal na droga sa Bicol, partikular sa probinsya ng Albay, Camarines Sur, at Sorsogon.
Sinabi ng tagapagsalita ng pulisya ng Albay, Lieutentant Kharren Formales, na-recover ang apat na sachet ng shabu mula sa inarestong suspek na si Constancio Moises Embido Jr.
Nasa P6,800 ang nakumpiskang shabu mula sa suspek kasama ang P500 na buy-bust money.
Hinuli si Embido sa Barangay Paulog, sa lungsod ng Ligao bandang alas-3:25 ng hapon.
Sa probinsya ng Camarines Norte naman, partikular sa bayan ng Jose Panganiban, hinuli ang suspek na kilala sa pangalang “Janggo,” 28-anyos na tinuturing na “bigtime” na personalidad na may kaugnayan sa ilegal na droga.
Arestado si Janggo dakong gasa pagbebenta ng isang sachet ng shabu sa Barangay Sta. Rosa Sur.
Ayon naman sa hepe ng pulisya sa nasabing bayan, nakumpiska sa body search sa suspek ang isang medium-sized na sachet ng shabu at apat pang maliliit na sachet, na aniya ay nasa P6,800 ang halaga.
Sa Sorsogon City, sa probinsya ng Sorsogon, hinuli rin ng mga awtoridad ang 38-anyos na suspek na si Estelito Jalmasco at na-recover naman mula sa kanya ang P2,040 halaga ng shabu.