By Frances Pio
––
Sa ngayon ay nakapagtala na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 3,097 na aftershocks mula sa magnitude 7.0 na lindol na yumanig sa Lalawigan ng Abra. Ang huli ay noong nakaraang buwan.
Sinabi ng Phivolcs na ang mga aftershocks ay may lakas na mula magnitude 1.4 hanggang 5.1.
Nauna nang nagbabala ang ahensya na ang mga aftershocks ay maaaring mangyari sa loob ng ilang araw at posible na umabot ng mga buwan, pagkatapos i-classify ang magnitude 7 na lindol sa Abra bilang isang “major earthquake.”
Samantala, tinantiya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang bilang ng mga apektado o displaced na indibidwal sa mahigit na 500,000, habang ang pinsala sa imprastraktura ay tinatayang umabot sa mahigit P1.5 bilyon, nitong Linggo.