Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ayon sa pulisya, binawian ng buhay ang isang misis matapos pagsasaksakin ng kanyang asawa sa Mangaldan, Pangasinan.

Base sa eksperto, nagtamo ang biktima ng tatlong-daang (300) na sasaksak mula sa kanyang mister noong Linggo, Enero 8.

Nangyari ang krimen sa isang inn sa Barangay Bantayan, ayon kay Police Lt. Col. Benjamin Zarate Jr., dahilan ang umanong panghihinala ng suspek na may ibang kalaguyo ang kanyang misis.

Ani Zarate, lumabas ang mister sa lugar ng krimen nang duguan ang bahagi ng kanyang katawan.

“Bandang 7:45 ng umaga nang mag-check in ang mag-asawa. Makalipas ng tatlong oras, lumabas ang mister na duguan ang kanyang paa. Napansin ito ng isang room boy kaya agad na tinignan ang kwarto at doon na nadiskubre ang duguan at wala ng buhay na biktima,” anang naturang opisyal.

Posibleng isang Swiss army knife ang ginamit ng suspek sa pananaksak sa biktima ayon sa medico-legal.

Nahaharap naman sa kasong parricide ang mister.

Leave a Reply