By Frances Pio
––
Apat na katao ang nasugatan sa sagupaan sa pagitan ng mga pulis at armadong kalalakihan sa isang pamilihan noong Martes ng gabi, Hulyo 12, sa Maguindanao.
Sinabi ni Police Lt. Col. Julhamin Asdani, hepe ng municipal police, nitong Miyerkules, Hulyo 13, na iniulat ng mga sibilyan ang mga armadong lalaki na sakay ng limang sasakyan ang dumating sa Crossing Simuay Market and terminal facility bandang alas-6 ng gabi.
Naglibot sila sa palengke para hanapin ang Barangay Captain na si Guiaber Dalindingan, na wala sa lugar.
Nagdulot ng takot sa mga residente ang eksena.
Sinabi ni Asdani nang rumesponde ang mga pulis, pinaputukan agad sila ng mga armadong lalaki kahit na matao ang palengke noong oras na iyon.
Aniya, apat ang nasugatan sa 20 minutong bakbakan – isang sibilyan at tatlo mula sa mga armadong grupo.
“A police patrol car and police Community Police Assistance Center detachment were hit by stray bullets,” sinabi ni Asdan.
Dumating sa palengke ang mga sundalo, na lulan ng mga armored personnel carriers, ngunit nakatakas na ang mga armadong kalalakihan sa pinangyarihan ng insidente.
Sinabi ni Asdani na inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng armadong grupo.