Share:

By Frances Pio

––

Naglunsad ang pulisya ng manhunt laban sa mga armadong lalaki sa magkakahiwalay na pamamaril na ikinasawi ng apat na tao sa Maguindanao noong Martes, Agosto 9.

Sinabi ni Police Col. Christopher Panapan, Maguindanao police director, nitong Miyerkules, Agosto 10, na ipinag-utos niya ang pagkamit ng hustisya para sa mga biktima.

Sa isa sa mga insidente, sinabi ni Panapan na mag-asawa ang pinagbabaril ng dalawang lalaking riding tandem sa Datu Salibo, Maguindanao alas-9 ng umaga.

Sinabi ni Police Major Roldan Kuntong, hepe ng Datu Salibo police, ang mga biktimang sina Salik Sulaiman, 47; at ang kanyang asawang si Guiaria, 42, kapwa mula sa Mamasapano, Maguindanao, ay sakay ng isang green multicab nang sila ay salakayin.

Dead on the spot ang mag-asawa, aniya, at idinagdag na ang tricycle driver na si Narex Bangkaling, 39, ay namatay din nang tamaan ng ligaw na bala.

Makalipas ang isang oras, binaril ng hindi pa nakikilalang gunman ang isang tricycle driver sa Barangay Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Dead on the spot si Bobot Masundig, 36, ng Cotabato City, dahil sa maraming tama ng bala.

Ayon kay Panapan, lumabas sa inisyal na imbestigasyon na ang mga pamamaril ay bunsod ng “personal grudges.”

Leave a Reply