Share:

By Frances Pio

––

Halos 400 indibidwal na wanted ng batas ang inaresto sa iba’t ibang probinsya sa Central Luzon.

Apatnapu’t dalawa sa mga naaresto sa isang malawakang 24-oras na manhunt operation na tinawag na One Time, Big Time (OTBT) sa buong Central Luzon noong Martes, Agosto 30, ay mga “dangerous outlaw.”

Sinabi ni Acting Region 3 Police Director PBGEN Cesar Pasiwen na ang 42 most wanted person ay may mga warrant para sa mga krimen mula sa pagpatay, pagnanakaw na may pangingikil at panggagahasa.

Gayunpaman, ang karamihan sa iba pang mga wanted na indibidwal ay inaresto dahil sa mga paglabag na may kaugnayan sa droga, iligal na pagsusugal, paglabag sa RA 9262 at pagbabanta bukod sa iba pa.

Sinabi ni BGEN Pasiwen na mula sa kanyang pag-upo sa puwesto, ang mga yunit sa Rehiyon 3 ay nagsagawa ng aktwal at proactive na crime prevention drives sa pamamagitan ng paghuli sa lahat ng mga wanted person, gayundin ang paglilinis sa mga lansangan ng mga drug personality.

Samantala, ang Central Luzon Police director ay nagpapatuloy sa kanyang serye ng command visits upang suriin ang status ng mga police units at personnel sa ground para matiyak ang buong pagpapatupad ng lahat ng direktiba.

Leave a Reply