Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Miyerkoles, Nobyembre 23, nilooban ang isang bakery ng 12 armadong indibiduwal at namatay ang anim na biktima, kasama ang isang pulis, sa pamamaril.

Bandang alas-1:30 ng hapon nang magyari ang krimen sa bayan ng M’lang sa Cotabato sa Barangay Bagontapay. Humigit kumulang P17,000 ang tinangay ng mga armado.

4 katao naman ang sugatan mula sa insidente.

Base sa pulisya, nagngangalang Jack Gumilao at Jose Patlubay,2 customer ng bakery, ang nabaril ng mga suspek.

Nagtamo ng sugat mula sa pamamaril si Patlubay, habang binawian naman ng buhay si Gumilao.

Tumakas mula sa lugar ng krimen ang mga suspek, naghati ang mga ito sa dalawang grupo.

Para naman mahuli ang mga salarin, nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya ng nasabing bayan.

Nadala man sa ospital ngunit isa sa mga natamaan ng bala ay ang isang pulis na si P/Cpl. Noli Labesores, at namatay, mula sa engkwentrong naganap sa pagitan ng awtoridad at mga suspek, sa Sitio Quitos, Barangay Dugong, habang dalawa naman mula sa mga armado ang patay.

2 pa sa mga suspek ang napatay matapos magkasalubong muli ang ilan sa mga suspek at awtoridad, at nagtamo ng sugat si Patrolman Herzon Neyra.

Patuloy namang nagsasagawa ng operasyon ang pulisya para mahuli ang iba pang mga armadong nakatakas.

Leave a Reply