Inaasahan ang pagdating sa Pebrero 23 ng mahigit kalahating milyong bakuna kontra Covid-19 sa bansa mula sa China ayon sa Malacañang. Ani ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay aabot sa 600,000 doses ng Sinovac Vaccines ang darating sa nasabing araw kasama na rito ang 100,000 na donasyon di umano ng gobyerno ng China para sa Department of National Defense ng ating bansa.
“Ang bakuna po ng Sinovac na galing China, nakaukit na po sa bato ang pagdating. Ito po ang ay sa 23 ng Pebrero, 23 ng February po darating ang Sinovac,” ani ni Roque.
Ang Sinovac ay may 50%, 65% at 91% efficacy rate matapos gamitin sa human trials noon sa mga bansang Brazil, Indonesia at Turkey.
