Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ayon sa Department of Health, ang walong Pilipinong galing China na nag-positibo sa COVID-19 ay mayroong walampu’t walong (89) na close contact.

Ang naturang mga close contact ay natukoy naman na ng DOH, at base sa officer-in-charge ng ahensya na si Maria Rosario Vergeire, ang mga pasahero ay binabantayan ng mga awtoridad sa kalusugan at ng mga lokal na pamahalaan.

Ang katangi-tanging pasaherong nagkaroon sintomas ng COVID-19, na-test na rin at kasalukuyang naka-isolate.

Natukoy na rin ang 18 foreigner at isang Pinoy na kasama sa unang flight. 17 sa 19 na mga pasahero ay fully vaccinated na, 1 ang partially vaccinated, at 1 ang hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Mas maraming Pinoy sa ikalawang flight kumpara sa nauna. Tinukoy din bilang close contact ang 7 Pilipino at 16 foreigner sa naturang flight.

Habang 27 na fully vaccinated na Pinoy naman ang natukoy sa ikatlong flight bilang close contacts.

Walang naramdamang sintomas ang karamihan habang isa lamang ang nagkasintomas ayon kay DOH-OIC Vergeire.

Sa ikaapat na flight, close contact din ang 12 foreigners at 8 Pilipino.

Leave a Reply