Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Walong sasakyan at apat na motorsiklo ang nasangkot sa isang banggaan sa kahabaan ng San Miguel Avenue at Shaw Boulevard nitong Martes ng umaga.

Ang lugar ng nangyaring banggaan ay nasa pagitan ng Mandaluyong at Pasig, kung saan sugatan ang pitong katao buhat ng aksidente.

Iniulat ng mga lokal na awtoridad na nang sumalpok ang isang sasakyan sa dalawang motorsiklo, naapektuhan na rin ang iba pang mga sasakyan, dahilan ng pagkasugat ng naturang mga biktima.

Na-impound naman ang mga sasakyang sangkot sa banggaan, at naka-cordon ang lugar upang makapaglinis ang mga awtoridad ng mga nagkalat na basag na salamin at mga natapong gasolina.

Ang driver ng land cruiser, ang sasakyang sumalpok sa dalawang motor, ay dinala na sa Mandaluyong Police Station at haharap sa posibleng kaso ng destruction of public property.

Leave a Reply