By Frances Pio
––
Sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Martes na nakapagtala na ito ng 82,597 kaso ng dengue noong Hulyo 16, na 106 porsiyentong mas mataas kaysa sa mga naiulat na kaso noong nakaraang taon.
Ayon kay DOH Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa isang media briefing, karamihan sa mga kasong ito ay naiulat mula sa Central Luzon, Central Visayas at Metro Manila:
- Central Luzon – 13,449 o 16 porsiyento ng kabuang bilang
- Central Visayas – 8,905 or 11 porsiyento
- Metro Manila – 6,884 or 8 porsiyento
Samantala, 20,261 na kaso ang naitala sa huling nakaraang apat na linggong mula Hunyo 19 hanggang Hulyo 16, ani Vergeire.
Ang mga rehiyon na nakapagtala ng pinakamaraming kaso sa panahong ito ay ang mga sumusunod:
Central Luzon – 4,629
Cagayan Valley – 2,151
Metro Manila – 1,985
Sinabi rin ng DOH na 10 sa 17 rehiyon ang lumampas sa endemic threshold sa apat na linggong ito, kung saan ang mga rehiyon ng Cagayan Valley, Mimaropa at Cordillera Administrative Region ay nagpapakita ng patuloy na pagtaas ng kaso.
Naiulat din ang kabuuang 319 na pagkamatay sa buong bansa, ani Vergeire, na nangangahulugang ang case fatality rate ay nasa 0.4 porsyento.