Share:

Sinimulan na ng Lungsod ng Dumaguete ang pagbabakuna sa lahat ng nasa hustong gulang noong Biyernes, Oktubre 22, habang ang Dumaguete at Negros Oriental ay patuloy na nakikipaglaban sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Sa 79 katao na namatay sa Dumaguete City dahil sa COVID-19 mula Mayo 1 hanggang Oktubre 21, 74 ang hindi bakunado, ayon kay City Health Officer Maria Sarah Talla.

Mahigit limang buwan mula nang magsimula ang pagbabakuna sa Dumaguete City noong Mayo 1, 35,448 residente ang fully vaccinated na, o 26.4% ng kabuuang populasyon nito na 134,103 hanggang Oktubre 22. Samantala, 43,621 residente ang nakatanggap ng first dose ng COVID- 19 vaccine, o 32.5% ng kabuuang populasyon.

Ang lungsod ay mayroong 207 aktibong kaso ng COVID-19 noong Biyernes, ayon sa ulat ng IATF.

Ang lalawigan ng Negros Oriental, na nilagay kamakailan sa ilalim ng Alert Level 4, ay nahuhuli sa pagbabakuna nito kumpara sa mga karatig na lalawigan sa Central Visayas. (By: Frances Pio)

Leave a Reply