Ang pagdaan sa bagong bukas na Skyway Stage 3 ay libre sa ngayon, ang San Miguel Corp. (SMC) ay magsisimula nang maningil sa pagtatapos ng buwan habang hinihintay ang pag-apruba mula sa Toll Regulatory Board (TRB).
Base sa petisyon na inihain ng Skyway Stage 3 sa Toll Regulatory Board (TRB), ay maari itong maningil ng P274 para sa mga sasakyan na bumabyahe mula Buendia papuntang Balintawak.
Ipinapakita ng petisyon na ang bayarin sa toll ay mula P110 hanggang P274 depende sa haba ng biyahe mula sa entry point hanggang exit point.
Halimbawa, ang mga manggagalinh sa Buendia pupunta sa North Luzon Expressway ay sisingilin ng P274. Sisingilin din ang dadaan mula sa NLEX papunta sa Buendia.
Ang mga iminungkahing singil ng toll ay naghihintay pa rin ng pag-apruba mula sa TRB.