Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Sinabi ng kalihim ng Department of Interior and Local Government na si Secretary Benjamin Abalos Jr. na aalamin niya ang rason kung bakit hindi pa naghahain ng courtesy resignation ang labing-isang pulis.

“Aalamin ko talaga ang reason bakit. Is it something na dapat bang will raise doubts o hindi. Aalamin ko lang naman,” ani Abalos sa mga mamamahayag.

Matatandaang nanawagan ang naturang kalihim na sikaping alisin ang puwersa ng mga miyembro ng organisasyon na sangkot sa ilegal na droga.

Hinihintay pa rin ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) ng nasabing senior police officials na binubuo ng 8 colonel at 3 brigadier generals

Noong Biyernes, Enero 20, sinabi ng PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na 942 SPOs na ang bilang ng mga naghain ng kanilang courtesy resignation mula sa kabuuang bilang nito na 953.

Nais naman ni Abalos na mapakinggan ang sentimyento ng 11 pulisya upang maunawaan kung saan nanggagaling ang mga ito.

Leave a Reply