Share:

By Frances Pio

––

Inanunsyo ng Pamahalaan ng Quezon City nitong Huwebes na magiging special non-working holiday ang Agosto 19 bilang paggunita sa ika-144 na kaarawan ng pinagmulan ng pangalan ng lungsod, ang yumaong dating Pangulong Manuel L. Quezon.

“Alinsunod sa Republic Act No. 6741 idineklarang Special Non-Working Holiday ang August 19, 2022, Biyernes sa Quezon City, bilang paggunita sa ika-144 kaarawan ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon,” ayon sa Facebook post ng Quezon City LGU.

Ayon sa pamahalaang lungsod, walang pasok sa pribado at pampublikong tanggapan, maliban sa mga ahensyang nagbibigay ng mahahalagang serbisyo tulad ng health and rescue, fire protection, at law enforcement.

Agosto 19 idineklarang special non-working holiday ng Quezon City LGU

Inanunsyo ng Pamahalaan ng Quezon City nitong Huwebes na magiging special non-working holiday ang Agosto 19 bilang paggunita sa ika-144 na kaarawan ng pinagmulan ng pangalan ng lungsod, ang yumaong dating Pangulong Manuel L. Quezon.

“Alinsunod sa Republic Act No. 6741 idineklarang Special Non-Working Holiday ang August 19, 2022, Biyernes sa Quezon City, bilang paggunita sa ika-144 kaarawan ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon,” ayon sa Facebook post ng Quezon City LGU.

Ayon sa pamahalaang lungsod, walang pasok sa pribado at pampublikong tanggapan, maliban sa mga ahensyang nagbibigay ng mahahalagang serbisyo tulad ng health and rescue, fire protection, at law enforcement.

Inanunsyo din ng Quezon City government na walang operasyon ang Q City Bus Service sa Biyernes dahil sa holiday.

Leave a Reply