Share:

Ayon kay Spokesperson Harry Roque, ipatutupad na sa ibang lugar sa bansa ang ang bagong 5-Alert Levels na sinimulang gamitin sa Metro Manila noong Setyembre 16, 2021.

Papalitan ng Alert Levels ang dating apat na quarantine classifications na pinatutupad. Ang bagong alert level ay nakabase sa dami ng kaso, at kakayahan ng ospital sa isang lugar. Sasabayan din ng granular lockdown ang nasabing bagong sistema.

Ang ipatutupad ang Alert Levels sa mga sumusunod na lugar:

Alert Level 4 – Negros Oriental, Davao Occidental
Alert Level 3 – Cavite, Laguna, Rizal, Siquijor, Davao City, Davao del Norte
Alert Level 2 – Batangas, Quezon province, Lucena City, Bohol, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu province, Davao de Oro, Davao del Sur, Davao Oriental
Nakatakdang magsimula sa Miyerkules, Oktubre 20 hanggang 31 ang bagong ipatutupad Alert Levels sa mga lugar.

Leave a Reply