Nagpaalala si Cagayan de Oro Mayor Oscar Moreno nitong Huwebes, Oktuber 14, na hindi pa nararapat magbukas ang mga non-essential establisments sa lungsod. Ito ay matapos ipanawagan ng city council ng Cagayan de Oro ang pagbubukas ng ekonomiya.
Nitong lunes ay nagpasa ng Resolution No. 2021-205 na naglalayong buksan muli ang mga internet cafes, sports centers, gyms, massage parlors and spas, e-games, at iba pang non-essential indoor establishments, kasama rin sa resolusyon ang pagbubukas ng tourism-related activities sa lungsod.
Nais ng city council na makabawi ang mga negosyong naapektuhan ng masikip na mga regulasyon dahil sa lockdowns. Bagamat patuloy ang pagbaba ng mga kaso sa lungsod, nais ni Mayor Moreno na patuloy na mag-ingat para maiwasan ang panibagong surge. (By: Frances Pio)