Share:

By Christian Dee

Ang sikat na beteranong volleyball player na si Alyssa Valdez o kilala rin bilang “The Phenom” ay masayang manunumbalik sa Premier Volleyball League (PVL).

Si Valdez ay kabilang sa Creamline Cool Smashers na nanalo sa nakaraang liga ng PVL ngunit hindi nakapaglaro sa Asian Volleyball Confederation Cup for Women nitong taon sa kadahilanang tinamaan ang manlalaro ng dengue.

Sinabi ng beteranong manlalaro sa press conference ng PVL na nagpapasalamat siyang makabalik sa volleyball court kasama ang naturang team.

“Our coaching staff has been doing a really good job so I can catch up,” aniya.

Inaasahan niyang na dadalhin sa ligang ito ng mga ka-team ang mga skills na naipamalas at natutunan nila mula sa naging laban kontra ibang bansa.

Ani Valdez na ang PVL ay magiging mahigpit na laban dahil sa mga reinforcement.

“Lalo na yung mga girls who played in international leagues twice, the experience we got there hopefully they bring in the coming Reinforced Conference. I hope they show how they matured as athletes,” dagdag pa niya.

Inaasahan din ng manlalaro na makamit ang pagkakataon kasama ang Turkish import [volleyball player] nila na si Yeliz Basa.

Sinabi rin ni Valdez na si Basa ay nagbibigay ng positibong enerhiya para maramdaman ng mga ka-team nito ang kanilang ginagawa.

Leave a Reply