Share:

Hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-Pangulo si Davao City mayor Sara Duterte-Carpio.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng Skyway 3 project sa Quezon City nitong Huwebes.

Sinabi ng Pangulo na marami ang nag-uudyok sa kanyang anak na tumakbong Presidente subalit sinabihan niya ito na huwag magpadala sa nga nanghihikayat sa kanya.

Naawa aniya ito sa posibleng pagdaanan ni Mayor Sara batay sa karanasan nito, dahil hindi pambabae ang pagiging Presidente.

Binigyang-diin ng Presidente na magkaiba ang emotional set-up ng babae at lalaking Presidente kaya hindi niya papayagang ma-gago ang kanyang panganay na anak.

Sinagot ito ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sinabi niya sa pangulo noong January 8 na wala siyang balak na tumakbo sa halalan 2022.

Sinabi rin niya na ayaw niya akong tumakbo ngunit hind ito tungkol sa kasarian.

Sa mga naglalabasang survey patungkol sa 2022 elections, kabilang ang pangalan ni Sara sa mga lumalabas at nangunguna na posibleng maging kandidato at iboboto ng mga respondent sa panguluhang halalan.

Bukod kay Sara, kasama rin sa mga pangalan na lumalabas sa survey ang dalawa pang babae na sina Vice President Leni Robredo at Senador Grace Poe.

Leave a Reply