Share:

Inaalala ngayong araw ang sana’y ika-81 na kaarawan ng Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Miss Susan Roces.

Mayo 20, nitong taon lamang nang mamayapa na ang batikang aktres dahil sa malubhang karamdaman. Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Senadora Grace Poe.

“With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces. She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends,” pag-anunsyo ni Sen. Poe.

“She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindness. She is now with the Lord and her beloved Ronnie — FPJ. We will miss her sorely but we celebrate a life well lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure,” dagdag nito.

70 years na namayagpag ang karera ni Miss Susan sa mundo ng showbiz at hindi matatawaran ang kanyang mga natatanging pagganap sa mahigit isang daan niyang mga Pelikula.

Huli siyang naging parte ng makasaysayang drama sa telebisyon na FPJ’s Ang Probinsyano. Nakatakda na rin itong magwakas sa Agosto 12, matapos ang pitong taong pamamayagpag sa ere.

Marami na ang nakaka-miss sa karakter ni Lolo Flora na siyang nagdarasal para sa kaligtasan ng apong si Cardo, na ginagampanan naman ni Coco Martin.

Hindi makakalimutan ng mga taga subaybay ng yumaong aktres ang mga mahahalagang aral na kanyang ibinahagi sa programa.

“Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Hindi natutulog ang Panginoong Diyos. Ako man minsan ay natatakot pero lagi kong sinasabi sa sarili ko, nandiyan ang Panginoong Diyos. Kung anuman ang gusto niyang mangyari, ‘yun ang mangyayari. Hindi Niya tavo kailanman pababayaan,” ani Miss Susan bilang si Lola Flora.

Ngayong araw rin, bumista si Senator Grace sa puntod ng kanyang mga magulang sa Manila North Cemetery, upang ipagdiwang ang kaarawan ng ina.

“I miss you both but I can imagine you celebrating Mama’s birthday together now,” ani Poe sa kanyang official Facebook page.

Photo Source: Senator Grace Poe/FB

Leave a Reply