Share:

By Frances Pio

––

Inaprubahan ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang pagpaparehistro bilang business entity ng Angat Buhay Foundation, isang organisasyon na binuo ni dating Vice President Leni Robredo at inilunsad nitong Biyernes.

Sa paglulunsad ng nongovernment organization (NGO), sinabi ni Robredo na ang corporate name ng programa ay Angat Pinas Inc., dahil mayroon nang rehistradong Angat Buhay entity.

Gayunpaman, sinabi niya na ang pangalan ng programa ay mananatiling “Angat Buhay.”

“Noong nire-register ‘yung Angat Buhay, hindi siya na-approve dahil may naregister nang Angat Buhay na matagal nang matagal nang nakaregister,” ika ni Robredo.

“So ang na-approve na pangalan ay Angat Pinas Inc. So ang corporate name natin ay Angat Pinas Inc. but the program will still be called Angat Buhay,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Robredo na dumating ang pag-apruba ng sakto sa oras para sa paglulunsad ng foundation.

“Sobrang timing kasi lumabas na ‘yung approval ng ating corporate existence so pwede na talaga tayong mag-umpisa na may sarili na tayong identity,” sinabi niya.

Kabilang sa mga pangunahing programa ng adbokasiya ng foundation ay ang edukasyon, kalusugan, seguridad sa pagkain at nutrisyon, at disasater risk response.

Para sa panig ng edukasyon, sinabi ni Robredo na ang mga umiiral na community learning hub na itinatag noong siya ay Bise Presidente pa noong panahon ng pandemya ay gagawing remedial centers.

Leave a Reply