By Frances Pio
––
Nagsimula ang Philippine National Police (PNP) ng pagbisita sa paaralan sa Mangaldan, Pangasinan sa pagsisikap nitong tulungan ang mga mag-aaral na maunawaan ang bullying at iba pang tip sa kaligtasan mula sa krimen.
Ang lecture ay tungkol sa Anti-Bullying and Crime Safety Tips kaugnay ng Oplan Balik-Eskwela I-am Strong (BES).
Layunin ng Oplan BES na bigyang kaalaman ang mga bata sa kanilang mga karapatan at turuan sila kung paano protektahan ang kanilang sarili laban sa pagsasamantala at pang-aabuso, at sa huli ay gawin silang mga mamamayang masunurin sa batas.
“Kapansin pansin naman na ang mga bata ay talagang nakikinig sa pangaral ng mga pulis,” ayon sa isang opisyal ng pulisya.
Umaasa ang pulisya na sa ganitong klase ng lecture, matututunan ng mga estudyante kung paano haharapin kapag sila ay na-bully.
Sinabi ng pulisya na magpapatuloy sila sa kanilang mga pagtuturo upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang bullying at para sa kanilang kaligtasan.