Share:

By Frances Pio

––

Makakaranas ng water service interruption ang mga customer ng Manila Water sa ilang bahagi ng Antipolo City at Cainta, Rizal ng water service interruption simula Martes, July 19, dahil sa line maintenance activities sa mga apektadong lugar.

Ang line maintenance works ng Manila Water ay magreresulta sa service cut-off simula 10 p.m. ng Hulyo 19, Martes hanggang alas-6 ng umaga kinabukasan, Hulyo 20, Miyerkules sa ilang bahagi ng Barangay Bagong Nayon, partikular sa Sitio Kamias, Antipolo City.

Gayundin sa Antipolo, ang ilang bahagi ng Barangay Dela Paz (Langka Street at Kahel Street) ay mawawalan din ng tubig simula alas-10 ng gabi ng Hulyo 19 hanggang ika-6 ng umaga ng Hulyo 20.

Sa Cainta, Rizal, ang ilang bahagi ng Barangay San Isidro, partikular ang Karangalan Village Gates 1 at 2, ay mawawalan ng tubig simula alas-10 ng gabi sa Hulyo 20, Miyerkules hanggang 4 a.m. sa Huwebes, Hulyo 21.

Leave a Reply