By Frances Pio
––
Sinimulan na ng Manila Archdiocese ang pagtatayo ng isang religious structure na magsisilbing “center for exorcism” na sinabi ng prelacy na “the first of its kind in Asia.”
Ang religious structure ay tatawaging Saint Michael Center for Spiritual Liberation and Exorcism, na matatagpuan sa Guadalupe Viejo, isang lugar sa Lungsod ng Makati.
Ang by-invitation only groundbreaking ceremony para sa religious structure ay isinagawa noong Mayo 27 at inihayag lamang noong Lunes. Dinaluhan ito ni Arsobispo ng Maynila Jose F. Cardinal Advincula Jr. na sinamahan ni Rev. Fr. Francisco Syquia, Direktor ng Archdiocese of Manila Office of Exorcism, at iba pang opisyal at kawani ng simbahan.
“A product of more than seven years of prayers, planning and fundraising, this religious structure will be the first of its kind in Asia, if not the world,” sinabi ng Archdiocese of Manila Office of Exorcism sa isang pahayag.
Para sa kanyang bahagi, sinabi ni Syquia ang Saint Michael Center “will minister to those in bondage to the devil who are therefore the poorest of the poor and are usually overlooked.”
Magsisilbi rin ang Saint Michael Center bilang punong tanggapan ng Philippine Association of Catholic Exorcists (PACE), na nasa ilalim ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.