By Frances Pio
––
Inanunsyo ng aktres na si Maine Mendoza ang kanilang engagement ng longtime boyfriend, actor-turned-politician na si Arjo Atayde.
Sa social media nitong Biyernes, July 29, ibinahagi ni Maine ang sunud-sunod na selfie nila ni Arjo habang ipinapakita ang engagement ring sa kanyang daliri.
Sa Instagram upload ni Maine ng behind-the-scenes photos ng proposal. Kanyang sinabi sa caption: “Wait, whaaaat??? We’re engaged?!”
Napuno agad ng mainit na pagtanggap ang comment section ng post ni Maine.
Ang mga kilalang personalidad tulad ng kapatid ni Arjo na si Ria Atayde, at ang mga kasamahan ni Maine sa “Eat Bulaga” na sina Maja Salvador at Pauleen Luna ay nagpaabot ng kanilang mga mensahe ng pagbati.