By: Margaret Padilla
Nagpahayag ng suporta ang kinatawan ng Batangas City na si Vilma “Ate Vi” Santos-Recto sa karangalang ipinagkaloob sa kaibigan at karibal sa showbiz na si Nora “Ate Guy” Aunor, na hinirang na isa sa walong Pilipinong tumanggap ng National Artist Award para sa 2022 noong Biyernes, Hunyo 10.
Binati ni Santos si Aunor at ang iba pang mga nanalo sa isang panayam kamakailan sa Philippine Inquirer. “Isang pagpupugay ang dapat nating ibigay sa ating bagong set of National Artists. Congratulations, Mareng Guy! Keep up the good work.”
Sinabi ng actress-representative na ang bawat isa sa mga tatanggap ng parangal ay napaka talino at nagtataglay ng hindi kapani-paniwalang talento at talino, at ipinaaabot niya ang kanyang taos-pusong pagbati sa kanilang lahat.
Noong dekada 70 at 80, nangingibabaw ang tunggalian nina Aunor at Santos sa showbiz sa Pilipinas. Bagama’t naging magkaibigan sila sa paglipas ng mga taon, hindi mapapantayan ang fandom nina Santos at Aunor sa kasaysayan ng sinehan sa Pilipinas.
Sa nasabing panayam, sinabi ni Santos na ang paborito niyang pelikula kasama si Nora Aunor ay ang kanilang pinagsamahang pelikula, “Ikaw ay Akin” at “T-bird at Ako.”
Nang tanungin kung may mga role ba siyang gustong gampanan kung sakaling gagawa sila ni Aunor ng isang comeback movie, sumagot si Santos na nais niya ang isang kwento ng pagkakaibigan at tungkol sa magkaibigang matagal nang hiwalay na pinagtagpo muli.
Sinabi pa niya na gusto niyang ito ay tungkol din sa empowerment ng mga kababaihan.
Samantala, matapos malaman na hindi siya napili bilang National Artist honoree ngayong taon, nagpadala si Santos ng isang espesyal na mensahe sa kanyang mga tagahanga sa isang pribadong chat group.
Ang kanyang mga loyal fans, na kilala bilang Vilmanians, ay hinimok niyang suportahan ang mga bagong National Artist awardees para sa 2022, kabilang na si Nora Aunor.
Ito ang naging pahayag ni Santos sa mga Vilmanians, “Hi, Julie. Thank you for reaching out. Huwag na kayo maging malungkot.”
Pinaalalahanan ng kinatawan ang kanyang mga tagahanga na may takdang panahon para sa lahat at kung may nakatakdang mangyari sa mundong ito, ito ay makakahanap ng paraan.
“Maraming salamat sa inyo, dearest Vilmanians sa patuloy at walang humpay ninyong pagsuporta sa akin. Mahal na mahal ko kayong lahat,” ika pa niya.