Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Isang babae ang inaresto ng pulisya ng Makati nitong Huwebes ng madaling araw dahil sa umanong sextortion.

Nanghingi ng halagang P10,000 ang suspek sa isang lalaking nakilala niya sa dating website para sa hindi nito pagkalat ng hubad na larawan ng biktima.

Nang magkakilala ang dalawa, nagkita ang mga ito sa isang hotel sa naturang lungsod, ayon sa lalaking biktima.

“Bale na-meet ko po siya sa online, like na dating website, so nag-arrange namin na mag-meet here in Makati for ‘yong service po,” kuwent lalaki.

Inireklamo ng biktima ang 27 anyos na suspek dahilan ng pagsasagawa ng operasyon ang pulisya ng lungsod.

Napag-alaman din ng pulisya, ayon sa hepe ng pulisya ng Makati na si Col. Edward Cutiyog na marami na ang nabibiktima ng suspek nang matuklasan sa cellphone nito na mayroon itong tini-text na banta.

Sinabi rin ng suspek sa lalaki na nasa kanya ang cellphone at ID ng biktima sa pamamagitan ng message.

Tumanggi naman na magbigay ng pahayag ang suspek.

Leave a Reply