By: Jude Sagun
Isinilang na ang baby boy ng vlogger couple na sina Viy Cortez at Cong TV nitong Martes.
Ipinost ni Cortez sa kanyang Instagram ang larawan ni Cong TV na karga-karga ang kanilang panganay na si Zeus Emmanuel “Kidlat.”
Anya, “Kayong dalawa ang mundo ko, salamat Lord, salamat sa biyaya.”
Noong nakaraan lamang, nag-post si Cortez ng TIk tok video upang ipakita sa kanilang mga follower ang presidential suite sa isang ospital kung saan niya hinintay ang panganganak.
Mayroon ng 10.3 milyong subscribers si Cong TV sa Youtube habang mayroon namang 5.87 million followers si Cortez. Inaabangan ng kanilang mga taga suporta ang mga nakakatawa at relatable na hirit nila sa video streaming platform.