Ang mga residente ng Brgy. Kamuning, Quezon City ay tumanggap ng diskriminasyon matapos magpositibo ang isang pasyente na naninirahan doon ay sa bagong variant ng COVID-19.
Sa isang press conference noong Huwebes, ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte na nakausap niya ang kapitan ng barangay at napag-alaman na hindi pinayagan pumasok sa trabaho ang ilan sa mga residente dahil sa nangyari.
Ayon pa kay QC Mayor, ang diskriminasyon na ito ay dahil sa isang “premature” annoncement tungkol sa impeksyon ng pasyente galing sa bagong variant.
Titiyakin ni Belmonte na aalamin niya ang mga pangalan ng mga kumpanyang hindi pumayag papasukin sa trabaho ang mga empleyadong residente ng Brgy. Kamuning.
Idiniin din ni Belmonte na hindi umuwi ang pasyente sa kanyang bahay sa Kamuning pagkadating dito galing sa Dubai at agad inanyayahan sa isang isolation facility.
Sinabi niya din na yung mga taong nagkaroon ng direct contact sa pasyente ay nakapag-swab test na at pinag-quarantine.
