Share:

Nagextend ng deadline ang Maynilad hanggang setyembre 30 dahil sa epekto ng Covid-19 sa ating bansa at dahil na rin apektado ang mga trabaho ng tao.

“Nagkaroon po tayo ng payment extension at ito ay umabot na po hanggang September 30,” sabi ni Maynilad spokesperson Zmel Grabillo.

Ayon kay Grabillo puwedeng mag bayad ang mga tao kahit na magkano lang ang kanilang gusto dahil naiintindihan nila ang sitwasyon ngayon. Kahit paunti-unti lamang kapag nakita naman nila sa system ng Maynilad ay ibabawas na nila ito sa kanilang mga account.

“Puwede na po nilang ibayad sa mga payment center. Puwede din po silang magbayad sa online. At ‘yun naman ay maka-capture ng aming system na unti-unti pong nababawasan ang kanilang bill,” dagdag nya pa.

Leave a Reply