Share:

Trending ngayon sa social media ang isang video mula sa international channel na BBC Food. 

Pinakita ng host na si Hersha Patel na isang “award-winning” presenter at film maker sa larangan ng komedya, pagkain, travels at iba pang entertainement shows ang kanyang pamamaraan sa pagluluto ng bigas. 

Maraming pamamaraan ang pagluto ng bigas lalong lalo na sa Asia. Mula sa pag hugas ng bigas bago ito lutuin at ang pinakasikat, ang pagsukat ng tubig gamit ang daliri. 

Kaya namang maraming tao mula sa iba’t ibang bansa ang nagbigay ng kani-kanilang nakaka aliw na kumento tungkol sa ipinakitang paraan ni Hersha, isa na dito ang UK-based Malaysian stand-up comedian na si Nigel Ng. 

Gumawa ang komedyante ng isang reaction video sa segment nito ng BBC Food at maraming natuwa, at napahalakhak sa kanyang mga reaksyon habang pinapanood ang pagsasaing ni Hersha. 

Umpisa palang ng video ay natawa na ang komedyante,

“First step already wrong”

“I am not confident this video is gonna be good”

Kumalat ito sa social media at ngayo’y maabot na ng higit 360,000 views ang nasabing viral video ni Nigel Ng.

Leave a Reply