By Christian Dee
MAYNILA – Ayon sa ulat ng Thirty Mile Zone (TMZ) nitong Nobyembre 6, nag-file ng divorce ang Filipino-American singer na si Denari “Bella” Poarch mula sa asawa niyang si Tyler Poarch.
Base sa mga legal na dokumentong nakuha ng TMZ, ang TikTok Sensation ay naghain ng mga dokumento sa Los Angeles County upang tapusin ang halos apat na taong pagsasama nila ng kaniyang asawa.
Nais ng Fil-Am na tuluyan nang makipaghiwalay dahil sa “irreconcilable differences” o hindi pagkakasundo ng mag-asawa.
Nananatili namang walang anak ang dalawa base sa ulat at hindi rin naman nanghihingi ng suporta si Bella kay Tyler.
Nabanggit din ng TMZ na ayon sa dokumento, walang plano si Bella na palitan ang kaniyang apelyido.
Matatandaang nakilala si Bella Poarch sa TikTok noong 2020 matapos mag-viral ang kaniyang isang video at kinagiliwan din ito ng mga mga Pinoy fans.