Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade ngayong Biyernes, posibleng magsimula ang operasyon ng Bicol International Airport bago matapos ang taon.
Matapos ang isinagawang on-site inspection sa BIA kaninang umaga, ipinag-utos na ni Tugade ang 24/7 na pagsasaayos ng Bicol International Airport sa Daraga, Albay.
Nasa 94.40% ang konstruksyon at inaasahang matatapos ngayong buwan ang Package 2A na sumasakop sa konstruksyon ng landslide facilities, site development at iba pang gusali.
Ang Package 2B naman na sumasakop sa konstruksyon ng Passenger Terminal Building, runway extension, taxi way, drainage, at iba pang site development works ay kasalukuyang nasa 68.14% completion rate, ani ni Tugade.
Ayon pa kay Tugade, maaari pa rin naman mag bukas ang BIA sa kabila ng pandemya na nakaapekto sa pangkalahatang estado ng air transport sa bansa.