Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Inanunsyo nitong Martes, Disyembre 27, ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 25 katao ang bilang ng mga nasugatan sa bansa dahilan ang mga paputok.

Ayon sa DOH, naitala ang lima pang bagong kaso ng fireworks-related injuries mula noong Lunes, Disyembre 26.

Ang naturang kabuuang bilang ng mga nasugatan ay tinatayang mas mataas ng labing apat na porsyente kumpara noong nakaraang taon.

Babala ng ahensya, umiwas sa mga paputok upang maging ligtas at kumpleto sa pagdiriwang ng nalalapit na Bagong Taon.

Matatandaang nanawagan sa mga lokal na pamahalaan sa buong bansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkaroon na lamang ng “common fireworks display areas” upang maiwasan ang mga aksidente. (Photo by Miguel de Guzman via PhilStar)

Leave a Reply