Share:

By: Jude Sagun

Hindi pa man umaamin sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa kanilang relasyon, tila lumi-level up na ngayon ang kanilang sweetness sa isa’t-isa.

Sa bagong instagram post ng singer na si Julie Anne, makikita ang mga nakakakilig nilang mga larawan ni Rayver, at cute bonding moments. 

Ani Julie Anne sa kanyang caption, “Today is your day and I could not be more proud and happy about all the good things that are coming to you and what you have accomplished. May you continue to inspire with all your passion and kindness because you make so many people happy and even a better version of themselves, even me. When you feel like doubting yourself, you can believe in me as someone who believes in you and know that I am always here for you.” 

“As the sun sets and today passes, always remember that you are amazing! You, in your own essence, are the best. I am more than grateful and blessed to witness this each day… You know the rest. Happiest birthday, Ray.” 

Ito ang mga naging mensahe ni Julie Anne sa kanyang rumored boyfriend na si Rayver, na nagdiwang ng kanyang ika-33 na kaarawan nitong Miyerkules. 

Kinilig din ang mga katrabaho nila sa showbiz sa nasabing post, maging ang kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz, na-touched sa mensahe ng singer. 

Wala mang aminan, hindi na maikakaila ang relasyon ng dalawa. Sa katunayan, noong Mayo rin nang nang sabihan ni Rayver si Julie Anne ng katagang “Mahal kita” matapos na batiin sa selebrasyon ng ikaw ika-28th na kaarawan nito. 

Dating karelasyon ni Rayver ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez, na ngayon ay nali-link na rin sa co-actor nito na si Paulo Avelino. 

Leave a Reply